Ninoy visits BFF Ferdie to tell him about the good news.
Ninoy: "Musta, bro?"
Ferdie: "Ayos lang naman, bro. Ikaw, anong balita?"
Ninoy: "Ayos ka lang ba talaga? Musta na kayo ni Meldy?"
Ferdie: "Hahaha! Same, same, bro. Still crazy about her."
Ninoy: "So..."
Ferdie: "Teka...aha! Checkmate!"
Ferdie: "Wala ka pa ring sinabi sa 'kin, bro."
Ferdie: "Haha! Kala ko ba nag-practice ka?"
Ninoy: "Distracted lang ako no. Dami kong iniisip."
Ferdie: "Si Cory ba? O meron pang iba?"
Ninoy: "Hehehe!"
Ferdie: "Naknamputa! Sabi ko na nga ba eh!"
Ferdie: "Pa'no mo nakakaya? Ako nga si Meldy lang hindi na ko magkanda-ugaga sa dami ng arte ng potah."
Ninoy: "Weh...di nga?"
Ninoy: "Ikaw pa! Parang di kita kilala..."
Ferdie: "Teka...turn ko na. Sinisimplehan mo ko eh."
Ninoy: "Sabi ko nga sa'yo, bro, distracted lang ako."
Ferdie: "Hinay-hinay ka lang kase, bro."
Ninoy: "Hirap kaya."
Ferdie: "Kaya nga...wag mo kaseng pagsabayin."
Ninoy: "Hay..."
Ninoy: "Pero, seryoso talaga ako kay Cory, bro."
Ninoy: "Akalain mo bang magseseryoso ang tulad ko?"
Ferdie: "Ilang beses mo na yan sinabi eh!"
Ferdie: "Sa dami ng mga beauty queens na naka-date mo, maniniwala pa ba ako sa'yo?"
Ninoy: "Beauty queens? Wife material ang hanap ko, bro."
Ferdie: "Shet! Naisahan mo ko dun ah."
Ninoy: "Naalala mo ba yung nireto ko sa'yo na inisahan mo?"
Ferdie: "Eeeewww..."
Ferdie: "Pinaalala mo pa."
Ninoy: "Baliw na baliw ka kaya nun!"
Ninoy: "Halos hindi na nga kita mahagilap nun!"
Ninoy: "Nagbabad ka sa condo nung pobreng chicks na yun."
Ninoy: "Only to dump her later on."
Ninoy: "Tapos one week later, meron ka na namang ka-date na iba."
Ninoy: "What's up, dude?!"
Ninoy: "Ha...sino ngayon sa atin ang dakilang laberboy?"
Ferdie: "Ah, di ko maalala..."
Ninoy: "Ulul!"
Ferdie: Who? Me?"
Ninoy: "Eh, sino pa ba? Dalawa lang tayo dito."
Ferdie: "Oo, ako na nga."
Ninoy: "Pikon ka na yata."
Ferdie: "Hindi no."
Ferdie: "Mas pikon ka kaya saken."
Ninoy: "Sino kaya ang napipikon ngayon?"
Ninoy: "Seriously, bro. Anong plano mo kay Meldy?"
Ninoy: "Sexy na, maganda pa!"
Ninoy: May utak rin. Wala ka na atang hahanapin pa."
Ninoy: "Kung ako sa'yo, hindi ko na pakakawalan yan."
Ninoy: "Mahihirapan ka nang humanap ng ganyan."
Ninoy: "Girl of any man's dream yung tulad nya."
Ninoy: "Kung di nga lang kita BFF..."
Ninoy: "...Haha! Liligawan ko talaga sya!"
Ninoy: "Jackpot ka talaga, bro!"
Ninoy: "Hayup sa ganda!"
Ninoy: "Kinakalawang ka na yata."
Ferdie: "Yun ang akala mo."
Ninoy: "Ho! Ho! Lamang na ko sa'yo no."
Ninoy: "Si Meldy lang pala makaka-distract sa'yo."
Ninoy: "Dapat pala sya palagi ang topic natin pag naglalaro tayo."
Ferdie: "Oh, smart!"
Ferdie: "Ooohhooo! Checkmate!"
Ninoy: "Fuck!"
Ferdie: "Hay, bilis ng oras..."
Ninoy: "Secret lang natin, bro. Magkaka-baby na kami ni Cory."
Ferdie: "Talaga?"
Ninoy: "Yeah!"
Ferdie: "Ikaw na!"
Ninoy: "Magiging ninong ka na!"
Ninoy: "Pic muna tayo bago ako maging tatay! Say chiiiiicks!"
Ferdie: "Chicks!"
Ferdie: "Naks...magiging tatay ka na nga!"
Ninoy: "Haha! Wag kang mawawala sa binyag!"
Ferdie: "Oo naman..."
Ninoy: "May eight months ka pa para mag-prepare ng regalo ha."
Ninoy: "Ho! Ho! Wag pairalin ang pagka-Ilocano ha!"
Ferdie: "Nagsalita...ikaw nga tong nuknukan ng kuripot eh."
Ninoy: "Nah...praktikal lang, bro."
Ferdie: "Praktikal ka jan..."
Ferdie: "Anyway, text mo na lang sa 'kin details bro."
Ninoy: "Oks. Malayo pa naman..."
Không có nhận xét nào:
Đăng nhận xét